Be with someone

Be with someone who looks at you like his looking at an abstract art. He’ll figure out what’s beyond the exquisite art with great fervor and will be amazed how beautifully you are made and thinking why this remarkable subject looks so lonesome and desolated when in fact you are such a magnificent piece.

Be with someone who can sense your discomfort whenever you try to suit yourself in a group you’re not familiar with or you think you don’t belong. He should be that someone who will hold your hand under the table to ease and remind you that it’s fine because he got your back. He should be that someone who will catch your gaze and smile at you to prove that together you can work things out.

Be with someone who can feel your pain by the sound of your voice and the look in your eyes. He should be that someone who can prevent your tears from falling and say the silliest word to substitute your sadness for happiness. He should be that someone who can lead your head in his shoulder to remind you that you’re not alone, that you are brave and still beautiful even in tears.

And if that someone does not come later than you thought, dear, be with yourself. Remember, you don’t need someone to complete you. You are born complete. You can be that someone you wish you could have. You can be that someone worthy of the love you eagerly want to have. You can be that someone who will appreciate all your flaws and insecurities and still love herself even if you’re not lovable at all.

Be with yourself, dear. And when you do, I’m telling you, you will be accustomed to being brave, independent and confident. That being with yourself is more satisfying than having someone who will repeatedly breaks you. That by being with yourself you’ll then realize that what you need is not someone who will love you. You’ll realize that respecting, appreciating and loving yourself is what you really need. ###

Advertisements

Kalahati

Laro

Boy, bantayan mo yan, ah!

Sa katirikan ng araw, hindi ko alintana ang pawis na patuloy na sinisipsip ng sandong puti na kinula pa ni inay dalawang araw na ang nakalilipas. Punas dito, punas doon. 

Ang gwapo talaga nya. Pero kailangang mataya ko sya. Ayan, papalapit na sya. Kasabay ng paglipad ng isip ay ang mabilisang pagtakbo ni Itoy patungo sa dulo. Naku, Lagot na!

Yehey!” sigawan ng kabilang grupo. “Panalo ulit. Wala pala kayo e!” sabay-sabay nilang pang-aalaska.

Nakita ko ang panlilisik ng mata ni Beni kasabay ng pag-iling ng iba naming kakampi.

Ang sabi ko, bantayan mo, hindi titigan.” Nakita ko na lamang ang aking sarili na hinahalikan ang maalikabok na kalsadang pinaglalaruan lang namin kanina at ang pagsulpot ng pulang mantsa sa aking pawisang sando.

‘Yan ang bagay sayo, lalamya-lamya ka kasi. Bakla!” narinig ko ang yabag ng kanilang pag-alis, kasabay ng umaalingawngaw nilang tawanan.

May dalawang mukha ang isang laro: ang panalo at ang talo. Ngunit sa murang edad, mas pinili ko munang  tumakbo palayo sa mapanghusgang lipunan at tao at ipanalo ang laban sa mga bisig ng aking ina na tanggap kung sino at ano ako.

Iyon ang huling laro ko ng patintero.

###

——–

 Lubid

Ikaw ang hangganan na pwede kong maabot. Ikaw ang katapusan sa aking simula.”

Hawak ni Mika ang sulat na nagpatanto sa kanya na posible ang pag-ibig na wagas. Na sa kabila ng mapang-matang mundo, may mga bagay na nagtatagal kahit marami ang di sumasang-ayon.

Dalawampu’t-tatlong buwan na siyang umiibig ng patago — masaya, may halong kaba, may kapanabikan. Pag-ibig ang bumuhay sa kanyang kalungkutan. Lalo na sa tuwinang pamimilit sa kanya ng magulang na magsuot ng palda upang magkaroon na ng nobyo. Ngunit sa piling nya, naisip nitong posibleng may tumanggap sa pagkatao nya ng buong-buo. Na kayang iwaksi na isang pagkakamali ang pag-ibig na hinahadlangan ng karamihan.

Tumingin sya sa kisame at kumuha ng upuan.

Ngunit may mga bagay na hindi natin kayang mapagtagumpayan. Ang tulad daw ng pag-ibig natin ay isang kasalanan. Ipapakasal na ko ni Mama at Papa kay Nathan. Patawad, mahal.
-Isa

Maligayang ika-2 anibersaryo sana, mahal,” bulong nito. Bumilang sya ng tatlo at sinabit ang sarili sa lubid na nasa kisame. May mga bagay na nagtatapos upang makapagsimulang muli. At sa kabilang mundo, siguro matatanggap nila na may karapatan din tayong umibig. Dahil tulad nila, tayo ay tao rin.

Ito ang kanyang huling naisip.

###

——

Bahaghari

Wala akong anak na malambot!” kasabay ng pagdampi ng kanyang malakas na kamao sa aking kaliwang pisngi.

Lasing na naman si tatay. Kasalanan ko raw kung bakit tampulan na naman daw sya ng tukso sa inuman.” Ito ang naging sentro ng usapan namin ni Glen habang ginagamot nya ang kulay ubeng pasa sa aking mukha.

Pwedeng-pwede kong labanan si Papa kung gugustuhin ko. Pero hindi ko gagawin dahil mahal ko sya. Kung tingin nya ay sakit ang pagiging iba, mas sakit na maituturing ang hindi pagtanggap sa katulad namin. Kaya’t uunawain ko sya ng paulit-ulit, hanggang maisip nya na kayang gamutin ng pag-ibig ang sakit na gawa-gawa lang ng tao.

“Espesyal ka, Joel. At walang mali sa pagpapakatotoo. Hindi ka isang sakitKaya’t wala kang dapat gamutin sa sarili mo. Kung hindi ka pa kayang tanggapin ng mundo, bukas ang bisig at puso ko para sa’yo,” sabat ni Glen.

Kasabay ng mainit na yakap sa isang lalaking marunong magpakatao, napagtanto ko na sa mundong hati-hati ang opinyon, may isang pananaw na bubuo sa aming pagkatao. Na sa dulo ng labang ito, pag-ibig pa rin ang mananalo. ###

***Ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 10 para sa kategoryang Dagli.

Silang

Kendi

Hawak ang manikang bigay ni tiya
Naglalaro ako sa hagdan ng aming tahanan
Si mama ay nasa opisina
Habang si papa ay nasa loob —
nagkukumpuni ng silya

Neng, tawag sa akin ni tiyo
Ang matalik na kaibigan ni Papa
Bili mo nga kami ng sigarilyo ng papa mo
Pag-uutos nya.

Agad akong nagtungo sa tindahan
At bumili ng lima
At agad iniabot kay Tiyo
Ang sigarilyo nila.

Ang laki mo na, Neng.
Dati nakakarga pa kita, pagkukuwento nya.
Lika muna dito at maglaro tayo
At pinaupo nya ako sa kanyang kandungan.

Limang beses nangyari
Ang ganoong eksena
Papaupuin nya ako sa kanyang kandungan
At maglalaro kami.

Aamuyin.
Hihimas-himasin.
Yayakapin.
Hahalikan sa pisngi.
Kasabay ng pag-abot ng dalawang kendi
Dahil panalo raw ako
Sa laro namin.

Sa musmos kong isip
Akala ko pangkaraniwan lamang
ang nangyayari
Ngunit tanging ang manika ko lamang
Ang nakasaksi na
Hiindi larong pambata
Ang pagbibigay ng kendi
Kapalit ng makamundong
Pagnanasa
ng pangalawang amang
aking itinuring.

Hawak ang manikang bigay ni tiya
Napagtanto kong
Ipinagkait sa akin ni tiyo
ang pagkakataong
Magsaya at makapaglaro
Ng larong pambata.
Dahil hindi jack en poy
O tumbang preso
Ang makakagamot
Sa sugat
Na hatid ng pang-aabuso nya.
Ang kailangan ko ay
Ang taong maniniwala
Sa kwento ko
At ng iba pa,
Na hindi ito imbento
O gawa-gawa.
Kailangan ko ng magtatama
Sa maling
Ginagawa ng
Katulad nila
Upang maipanalo ko
Kahit papaano
Ang huling laro
Ng aking pagkabata.
###

Kape

Magandang umaga, Sir!
Ang aking pagbati
Isang panibagong araw
Ang kailangang bunuin.

Pumunta sa pantry
Upang gisingin ang sarili
Sa nakaaantok na
Umaga.

Hi, Erik!
Ang bati sa akin ni boss.
Sabay ng pagkandado niya
Ng pinto.

Sir, gusto nyo po ba ng kape?
Tanong ko.
Gusto mong ma-promote di ba?
Pagdudugtong nya.

Lumapit sya sa akin
At hinawakan ako sa braso
Kasabay ng mabilisang
Paggapang ng kanyang kamay.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Tatlong beses naulit yun.

Kinuha ko ang kape
At binuksan ng mabilis
Ang nakakandong
Pinto.

Magandang umaga, Sir!
Kasabay ng pag-abot ko
Kinabukasan
Ng aking resignation letter.

Oo, lalaki ako.
At ito ang pinipili ko.
Dahil kape ang magpapatunay
Na kahit gaano katapang
Ang katulad namin
Maari pa rin kaming abusuhin,
Gamitin,
Takutin.
Dahil kahit saan
Kahit kailan,
O kahit sino ka man,
Walang pinipiling tao
O kasarian
Ang pagnanasang
Makamundo.
Ang opsyon mo na lamang
Ay kung magpapagamit ka
Ng paulit-ulit
At matapakan
Ang iyong dangal
O pipiliin mong
Magsalita at
Lumaban.

###

Sitsit

Umaga.
Habang naglalakad
Papuntang sakayan
Hi, Miss!

Tanghali.
Habang bumibili ng
Pagkain sa gilid ng opisina.
Magandang tanghali, ate beautiful!

Hapon.
Habang naghihintay ng dyip
sa gilid ng kalsada.
Hi, ate, tara sakay ka na.”

Gabi.
Habang tinutungo
Ang daan pauwi .
Psst! Psst! Hatid na kita!

Hindi maikli
Ang aking saya
O hapit ang
Aking suot na blusa.
Walang burloloy
Na suot sa aking katawan
Ni walang bahid
Ng makeup
Ang aking mukha.
Hindi ba nila alam
Na nakakakaba,
Nakakabalisa,
Nakakabahala
Ang kanilang ginagawa
Mga boses
Na animoy
Nagbabadya ng kapahamakan
Anumang oras
Anumang lugar.

Umaga.
Tanghali.
Hapon.
Gabi.
Walang pinipiling
Panahon
Ang kabastusan.
Kababuyan.
Kamunduhan.
Hindi sa suot nating damit
O sa ayos ng ating mukha
O sa postura ng ating sarili
Ang dahilan kung bakit
Paulit-ulit nila tayong
Tinatanggalan ng dangal
Ng seguridad
Ng kapanatagan.
Kundi sa kakulangan
Nilang mag-isip ng tama
At rumespeto ng kapwa.
Dahil sa huli,
May mga taong sadyang
Nakalimutan na,
Na ang kababaihan ay
Dapat pinoprotektahan at
Ginagalang.
###

***Ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 10 para sa kategoryang Tula.

The Girl Who Stays

Someone
once told me
That love is easy

You’ll meet someone
You’ll hold their gaze
You’ll find yourself catching your breath
You’ll smile
And you’ll give yourself a try.

And the heart
will soon play its part
Of beating
Of throbbing.
Soon, you’ll see yourself
Falling.

It’s been like that
When I met you.
Love is easy.
You said to me.

But when you left
You never told me
That falling out of love is never easy.

Because I’m the one you left behind.
I watched you walked away
Without even looking back.

But I choose to stay.

I stay
in love
with memories.
Because there are moments worth
remembering.
Those moments I am capable
of loving.

I’m the one who stays.

I stay
hopeful.
Some days may not be good
But better days are coming, so I thought.
And in those days, I choose to love.
Because in love, I became whole.
In love, I became free.

I’m the one who stays.

I stay
stronger
in each passing day.
I’ve conquered solitude
Knowing my heart’s made up of tenderness
and beautiful broken pieces.

And when everyone goes away
I will choose to stay.

I am used to being alone.
I’ve seen people walking out of my life
Leaving with memories
Of emptiness
Of heaviness
And a piece of my heart.

But I choose to stay.

And I will stay.
Because someone
Once told me
That love is easy.
And in staying,
I’ve learned
the most beautiful form of loving –-
Self-love.

I’m capable of loving myself more.
I will give myself time to grow
To embrace life
To appreciate my beauty
Because I can.

Because I’m the girl who stays
And I don’t need someone
who loves to walk away.

###

There are all kinds of heartbreak in the world

 

There is this thing wherein someone loves too much, and the other loves too little. Both cannot bear the idea that love is not something one can weigh. That in the process of loving too much and too less, both will end up desolated in their own love. Both will still love, but in the end, both will never feel what it is to love and be loved for real.

There is also this thing wherein someone loves someone but unfortunately that someone cannot return the love he or she receives. Imagine loving someone from afar. It’s like waiting for the rain in a desert. The truth is we cannot push someone to love us back, especially when somebody already owns their heart. The love we give is more often than not, constricts to the love we can receive.

There is also this thing wherein you love someone so much that you have given your full trust and loyalty to that person. They say loving means trusting and so you do. You rely to every word they utter, not knowing that at the end of the day, trusting someone fully, cannot guarantee a safe love. That loving with full trust does not mean you will be loved wholeheartedly. That trusting someone too much sometimes means breaking, betraying, and cheating.

There will come a time that you will lose the capacity to believe in love again. The pain succumbing you will continue to reside your heart. You will break down from time to time and you will question your worth. You will reach the point wherein you’ll curse your heart for being a failure. And later on, you will decide to just shut it. You will build a wall so that no one will dare to break you anymore. Because you believe that shutting people out of your world will hurt less. And sealing your heart is the best solution you ever think of.

But you’ve got a rebelled heart – a heart that will love despite the pain and the brokenness. Love will knock in your heart once more, and soon you will choose to let it in. But this time, you will be wiser to know what kind of love is real or not. Because being broken taught you that just as how love breaks you, love is also the heal you need in the end.

There are all kinds of heartbreaks in the world. But the best among those heartbreaks is the one that can teach us the most important lesson we can learn from love or loving. The best lesson which gives us a lucid view that before we love someone or before we expect something from someone, love yourself first. The best love is that one important love you can give to yourself. It’s the most intimate relationship you can ever have. ###

Tumigil 

Tayo dalawang buwan bago sumapit ang ating ika-siyam na anibersayo. Ang sabi mo hindi ka na masaya sa itinatakbo ng ating kuwento.

Umuulan noon, nung sinabi mong may iba nang nagpapatibok ng iyong puso. Kaya’t noo’y sinubukan ko pa ring ipaalala sayo ang mumunti ngunit makabuluhan nating alaala’t kwento. Saka ko lamang napagtanto na walang halaga ang lahat ng magandang kuwento sa taong nakahanap na ng bago.

Akala ko noon tayo na hanggang dulo. At totoo nga, dahil nagkaroon ng dulo ang salitang “tayo.” Kasabay nang pagbitaw mo sa ating mga sumpaa’t pangako, tumigil na rin ang pag-indayog ng iyong puso. Hindi na ako umaasa na may susunod pang kabanata ang ating kuwento, lalo pa’t hindi ko pinangarap na may kahati sa iyong salawahang puso.

Umuulan noon, nung sa huling pagkakataon ay sinubukan mong halikan ako. Ngunit hindi ka nagtagumpay dahil itinulak na kita palayo. Sa dulo, hinding-hindi ko nanaising magkaroon ng huling alaala mula sayo.

Tumigil ang mundo noong naging tayo. Ngunit pasensya ka na dahil hinding-hindi ito titigil dahil lang pinili mo sya kaysa manatili sa piling ko.

Ngayon bumabalik ka na para bang isang mababaw na sugat lang ang iniwan mo. Bilog talaga ang mundo dahil magda-dalawang buwan na pala noong sinabi mong iba na ang mahal mo. E, bakit ngayon bumabalik ka sa dating tahanan mo? Ngayon, sa tingin mo, kaya ko pa bang maniwala muli sa iyo?

Tumigil tayo dalawang buwan bago sumapit ang ating ika-siyam na anibersayo. Paulit-ulit kitang tinanong noon kung sigurado ka na ba sa desisyon mo. Patawad, sabi mo. Kaya’t alam kong totoong iiwanan mo na ako.  Masakit pero masaya ka, kaya’t pumayag na ako. Ngayon, bakit ka babalik kung kailan kaya ko nang haraping mag-isa ang mundong nilisan mo? Bakit ka babalik kung kailan natutunan ko nang mas mahalin ang sarili ko?

Siyam na taon sana natin ngayon

Missed Call

Tumatawag ka na naman.

Ilang tawag pa ba ang kailangan mo, para ipaalala sa akin ang sakit na dinulot mo. Lima, sampu? Magbilang tayo.

Bilangin natin ang mga pagkakataong sinayang mo. Na halos lahat ng bagay at pangyayaring nakikita ko sa tuwina’y nakokonekta ko sayo. Na sa tuwing titingin ako sa ulap, naiisip ko ang mga araw na kasama kita, magkahawak-kamay na naglalakad sa kalsada, nagkukwentuhan at nagtatawanan sa mga bagay bagay na tayo lang ang nakakaunawa.

Na sa bawat pagbaba ko ng dyip, hinahanap ko ang mga kamay mo na aabot sa akin, para sa mga baitang na delikado at sa mga hakbang kong di ko lagi sigurado. Na habang nasa byahe ako at napapapikit sa umaga, hindi ko maiwasang ika’y maalala, lalo na tuwing pinapaalalahanan mo kong kumain nang tama.

Na sa tuwing makikinig ako ng musika, hindi ko maiwasang di mapaluha, lalo na’t bawat letra at liriko ng kanta, sa puso ko tumatama. Na sa bawat hawak ko sa aking telepono, mas mainam pang ‘wag ko nang alamin kung may nakaalala, dahil ikaw lang naman dati ang palagi sa aki’y nangangamusta. At bakit pati ang buwan, na dati’y sa akin humahalina, nalulungkot na akong makita, dahil sa tuwinang pinagmamasdan ko sya, wala na akong kasabay mamangha habang nakatingala.

Mahirap talagang tumalima sa mga gawaing nakasanayan na. Sa mga bagay na lagi nating ginagawa at sa mahabang taong ating pinagsamahan. Akala ko dati madali lang makalimot. Titingin lang sa malayo at hahanap ng ibang bagay na pwedeng magwaksi sa mga sakit at lungkot.

Isang araw, magiging maayos din ako. Balang araw titingin ako sa ulap nang nakangiti at aasa na lang sa darating na biyaya. Bababa ako ng dyip ng mag-isa pero maligaya, hindi dahil malinaw na ang aking mata kundi dahil masasanay na kong protektahan ang sarili at di na kakailanganin ang tulong ng iba.

Mapapapikit ako sa byahe pero ang paulit-ulit na lang na maaalala ay ang susunod kong gala, kung anong bagong libro mababasa, anong masarap kainin mamaya at kung sinong tao ang makikilala. Balang araw lahat ng musika,hindi na tungkol sayo at sa sakit na iniwan mo. Ang mga tunog ay syang magiging simula ko, ipagdidiwang ito nang malaya at masaya — paghuhudyat ng panibago kong kuwento.

At sa paghawak ko ng telepono, babati sa aki’y iba ng numero, sariling ngiti ang magiging bungad ko kasabay ng mga mensahe ng kaibigang totoo. At sa huli, nakangiti na kong titingin sa buwan. Katulad nya, alam kong kaya ko nang mabuhay mag-isa. Maghihintay sa mga bituin ng may yumi at pag-asa, katulad ng isang panibagong pag-ibig na dakila at mabubuhay sa magagandang alaala.

Tumawag ka na naman.

Pero pasensya ka na at di ko muna sasagutin. Hindi pa kaya ng puso ko ang magpatawad at umintindi. Balang araw, pag maayos ng lahat, ako na ang unang babati. Pero sa ngayo’y hayaan mo muna ang puso kong magpagaling. Makalimot. Makagamot. Sa mga alaala mong patuloy pa rin sa aki’y dumudurog.

Mahirap kalabanin ang isang pusong sinugatan nang malalim, at napagod nang maniwala na may totoo pang pag-ibig. Balang araw ako ang sasagot. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang ito’y tumunog. Lima, sampu. Magbilang tayo.

Bibilangin ko ang panahon na magmamarka ng aking susunod na ligaya at pagbabago. Sasagutin ko, magbilang ka. ‘Pag kaya ko nang mag-isa nang hindi ka kasama. ‘Pag kaya ko nang umibig muli nang hindi ikaw ang naaalala. ###

Insomnia

You slept last night with a tear stained pillow. You prayed hard, asking the Divine to usher you to sleep even if you knew that sleeping at that moment will prove futile because you sleep earlier that afternoon for three straight hours. But you still force yourself to sleep so you close your eyes really hard and pretend that you’re dozing off. But of course, you’re not good at faking yourself.

So the moment you close your eyes, tears suddenly found its way. And the sudden flashback of your memories with him came flooded in. You still force your eyes to shut but then the picture changes and become visible – it was you crying, with the Creator comforting and hugging you. All of a sudden, you burst into tears and prayed hard to stop the agony you’re in and to calm your heart that is breaking.

Minutes later, you dozed off to sleep, this time, for real. Your mind transported your soul to happy things. You saw your old friends, talked to them and enjoyed having some time off. You looked happy then. You turned your back to the guy who you once knew, asking only if how fine he is, and then you walked away. You walked away with smile on your face and later join the guy who asked to walk you home.

You wandered peacefully to places unknown. It was a total relief. But reality strikes and the alarm clock signaled you to rise. And abruptly, the moment you open your eyes, the heartaches start to consume you again, piece by piece, painfully. Once again, you asked yourself what went wrong by reminiscing your good old times. You picked up the pieces, trying to find that one piece that will answer the reason of his sudden unhappiness and the valid reason of him leaving you, all of a sudden.

But there are far more reasons he won’t tell you, and the emptiness stuck inside you and you’ve tried everything to fill the void he created. You busied yourself, gotten yourself tired, and got in touch with your long forgotten activities. But that didn’t work. So you continue to search for something that will ease your mind just for a little while. But all you found are the things that remind you of him. And so you start again.

You start to find the “you” that has been missing since the day you’ve shared your heart to him. You start to look straight in your own eyes now and see what you’ve become since then. Have you evolved? Have you really gained or shared more love? Have you gotten stronger? Of course you do.

But this time, you have to continuously do that — alone. Yes, it’s hard. But it’s worth every effort because it’s for yourself after all. Repeat this to yourself: I’m strong. I’m beautiful. I’m kind. I’m capable of loving myself, so I will focus on other things and look after myself now. And gradually, you will find yourself capable of being happy again. It takes time but of course, you can. You’re brave, and believe it, because it’s true. You’re more than enough and you deserve a genuine kind of love.

You slept last night with a tear stained pillow, and wake up the same. But one day, when all the pain has subside and forgiveness has triumphant, you will wake up with a stronger heart and realize that you deserve a much better love — a love that is beautiful and stronger than the one you once had. ###

8:21

Alas otso disisyete ng umaga. Nakatayo kang nakikinig sa ispiker na nasa harapan. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa iyong bulsa.

Unang vibrate. Hindi mo ito agad pinansin sa pag-aakalang ito’y isang text lamang. Hindi ka rin kasi mahilig maglagay ng message ringtone sa iyong cellphone at ang katotohana’y ilang linggo ka na rin kasing hindi nakakatanggap ng tawag sa ganoong klase ng umaga. Nang biglang pumangalawa ang vibrate. Alam mong tawag na iyon at napaisip ka na lang kung sino ang tatawag sayo ng ganoong oras.

Agad mong kinuha ang cellphone sa iyong bulsa. At bumungad sayo ang pangalan niya — ang naghuhuling pangalang ninanais mong makita. Napaisip ka pa kung sino ang pangalang nabasa mo. Nagdalawang tingin. Nakalimutan mo kasing binago mo na nga pala ang pangalan nya sa cellphone mo. Nang sandaling iyon, hindi pananabik ang naramdaman mo kundi kaba. Kaba dahil iniisip mo ang rason kung bakit sya tatawag samantalang ilang linggo na rin kayong hindi nag-uusap.

Hinintay mo ang ikalimang tunog bago sinagot. Kinabahan ka. Naglaro na sa isip mo ang pinakamasamang senaryong maari mong maisip. Ang pinakamalala ay yaong naaksidente sya. Inasahan mong hindi sya ang makakausap mo sa kabilang linya. Hinanda mo na ang iyong sarili sa pinaka-nakakatakot na pwede mong marinig — sa posibilidad na kailangan ka nya, at sa opsyon kung tutulungan mo ba sya.

Kaya hindi ka muna nagsalita. Hinintay mong magsalita ang may hawak ng kabilang linya. Malabo ang unang salita. Hindi mo nabosesan. Kaya ang nasabi mo na lang ay “Ha?

Pinaulit mo ito. At sa pangalawang pagkakataon, doon mo napagtanto na ang kausap mo ay walang iba kundi sya. Nawala ang kaba mo. “Hello, good morning,” ang sabi nya sayo. Rinig na rinig mo ang saya sa kanyang boses. Sayang parang walang nagbago sa inyo. Sayang parang mali.

Naisip mo nun, nakalimot ba sya? Alam ba nya kung ano na kayo ngayon? Alam ba nya kung anong ginawa nya sayo? Natawa ka dahil muntik-muntikan mo na ring syang matanong kung lasing ba sya. Sino ba namang tao ang matutuwa kapag narinig mo yung taong minahal mo nang sobra pero sa huli ay piniling iwanan ka, na tatawagan ka isang di inaasahang umaga na parang nalimutang sinaktan ka pala nya, masayang-masaya ang boses na parang matalik lang kayong magkaibigan, na parang maayos lang ang lahat.

Kamusta ka?” ang tanong nya. Sa nagdaang panahon, yan na siguro ang pinakamahirap na tanong na pwedeng ibato sayo ng kahit sino. Hindi mo kasi kayang sagutin. At mas lalong di mo kayang marinig ang tanong na yan sa taong alam mong naging dahilan kung bakit hirap na hirap kang sagutin ang simpleng tanong na yan. Kamusta ka na nga ba? Kamusta ka na matapos nyang wasakin ang nananahimik mong puso? Kamusta ka matapos nyang itapon lahat ng alaala kasama mo? Kamusta ka? Napulot mo na ba ang nagkalat na piraso ng pagkatao mo matapos ang masalimuot nyong pagtatapos? Kamusta ka nga ba? Hindi mo talaga alam.

Bakit?” ang tugon mo. “Masama ka na bang kamustahin?” sabat nya. Ang daming bagay na tumatakbo sa isip mo noong sinabi nya yun. Masama ka nga bang kamustahin? Gusto mo syang murahin. Pero pinakalma mo ang iyong sarili. Kalma, puso. Kalma. At nasabi mo na lang ay “Di ko masasagot yan.” Pinipigilan mong magalit. Pinipigilan mong ibuhos lahat ng sakit. Alam ba nya kung bakit? Dahil mas pipiliin mong magpakabuti sa taong nakalimot maging mabuti. Mas pipiliin mong sarilinin ang sakit dahil sa huli, ikaw lang naman talaga sa inyong dalawa ang nasaktan. Sa isang paghihiwalay, hindi kailanman magpapantay ang sakit. Kailanman, walang dalawang puso ang nasusugatan ng sabay. Kailanman hindi mo pwedeng ibahagi ang sakit. Dahil ikaw yan, ikaw lang din ang gagamot nyan. Ganyan mo pinakitang matapang ka kahit na iniwan ka nyang mag-isa at nagtataka.

Hindi mo kasi ako nirereplyan pagchina-chat kita,” dagdag nya. Napahinto ka. Kailan mo pa ba naging obligasyon na sagutin lahat ng mensahe nya sayo? Ngayon pa ba kung kelan wala nang kayo? Ngayon pa ba na sa loob ng ilang linggo, halos araw-araw nyang ipinagdidiwang na wala na kayo? Yan ang ilan sa mga gusto mong ibato sa kanya, pero pinili mong ‘wag na, bagkus sinagot mo na lang ito ng “Ah.”

Sabi mo paminsan-minsan magte-text o magcha-chat pa rin tayo, pero bakit ganun, parang mas lalo kang lumalayo sa akin?” sabi pa nya. Gusto mo ulit syang murahin. Buti na lang di nya nakikita ang pag-ismid ng iyong labi habang sinasabi nya iyon.

Na habang naririnig mo sa kanya ang salitang paglayo, gusto mo syang duruin sa mukha at sabihing ang kapal kapal ng mukha nya. Na sya pa talaga ang may ganang magsabi nyan? Nasaan ba sya nung lugmok na lugmok ka? Na bigla-bigla ka na lang napapaiyak sa dyip papunta sa opisina o maging pauwi sa iyong tahanan. Nasaan ba sya noong panahong basang-basa ka ng ulan pero wala ka nang matawag na sasaklolo sayo?. Nasaan ba sya noong alas-dose ng gabi ka na nakauwi pero nagmatapang ka kahit takot na takot ka sa dilim dahil alam mong wala nang sasalba sayo. Nasaan sya? Ayun, araw-araw masaya. Ayun, piniling panindigan ang kasinungalingan nya.

Pag di ka na busy at di na rin ako busy, text o chat tayo,” dagdag pa nya. Sino ba talaga sa inyong dalawa ang abala? Bumalik kayo ilang buwan o linggo ang nakaraan. Bumalik kayo doon sa panahon na humihingi ka ng konting oras sa kanya. Na halos nanlilimos ka na ng atensyon kahit konti sa kanya. Bumalik kayo doon. Naisip mo, bakit ngayon pa sya magkakaroon ng oras samantalang ang tagal mong inasam na mapansin ka nya noon. Bakit ngayon nya sasabihin ang mga katagang yaon, samantalang wala nang kayo. Na sa tinagal-tagal ng panahon, bakit magtatayo na naman sya ng isang simula samantalang kakatapos lang ng isang nasayang na kabanata.

Ang nakakatawa pa, gusto mo sanang itanong sa kanya kung bakit bigla syang nagparamdam. Kung anong posibleng dahilan bakit biglaan ka nyang tinawagan. Bakit, binasted na ba sya ng kanyang nililigawan? Busy ba ang bago nyang pinag-iinteresan kaya naghahanap sya ng ibang paglilipasan ng oras. Gusto mo ulit syang murahin. Hindi ka pampalipas oras. At hindi ka na kailanman magpapalinlang sa taong katulad nya. Walang kahit sino ang nagnanais ng tira-tirang pagmamahal. At walang pagmamahal ang magtatagal sa pulos kasinungalingan. At mas lalong walang pagmamahal na magtatagumpay kung nabuo ito sa pagsira sa isang matatag sanang pag-iibigan kung wala lang sanang umeksenang iba na nagpapanggap na may pusong dalisay pero sa huli pusong nag-aabang lang pala ng pagkasira ng isang relasyon at katapusan.

Alas otso disisyete ng umaga. Nakatayo kang nakikinig sa ispiker na nasa harapan. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa iyong bulsa. Pero sa huli, mas pinili mong ikaw ang maunang magbaba ng linya. Na ikaw ang tumapos sa usapan ninyong dalawa. Tulad ng pagtapos nya, isang linggong umuulan, sa kuwentong matagal nyong isinulat dalawa.

At sa apat na minuto at labimpitong segundo pinili mong tapusin ang inyong usapan. Winakasan ito sa salitang “sige na” at “paalam,” sabay ibinaba ang telepono at pinaalala sa sariling tama na ang katangahan. ###

Kamusta po

Ito ang huling mensaheng
natanggap ko mula sayo,
Matapos mong wakasan
Isang linggong maulan
Sa loob ng aming tahanan,
ang humigit kumulang
siyam na taon
Nating pagmamahalan

Kamusta po?
Hindi ba’t kawalang pakiramdam
Ang tanungin mo ako
Ng isang simpleng katanungan
Na kayang dumurog
Muli ng aking puso’t isipan
At magbalik ng mga alaalang
Pinipilit ko nang kalimutan

Oo, paanong paulit-ulit
Na tumatakbo ang eksena
Isang Miyerkules ng umaga
Matapos ang ilang araw na
Hindi mo man lamang
Pagkamusta
Tinawagan kitang kakaba-kaba
Tinanong kung asan ka
Dahil umuulan noo’t
Nagmamaneho ka

Sinagot mo ako
Na ika’y nasa opisina
Pumatag ang loob ko
Atsaka ibinaba ang linya
Walang “mahal kita”
Bagkus ang sinabi mo’y
sige na, bababa ko na.”

Makalipas ang ilang minuto
Nakatanggap ako ng mensahe
Galing sayo
Ingat ka,” ang sabi mo
Usap tayo sa tamang panahon.
Ayoko na ring pasakitin pa
Ang kalooban mo,” dagdag mo.

Ganito ba tinutumbasan
Ang isang pag-aalala
Ganito ba tinutuldukan
Ang isa sanang
Magandang istorya
Kung paanong noong
Isang linggo lamang
Kayo’y masaya’t nagtatawanan
Kinabukasa’y
Puro sakitan at pag-aalinlangan

Kaya siguro may takot ako
Sa sobra-sobrang kaligayahan
Dahil alam ko isang araw
Gigising ako
Na ang babati na sa akin
Ay si kalungkutan

Kamusta po?
Paano ko sasagutin
ang tanong mo
Kung matapos ang
Ating pinagsamahan
Mas pinili mo kong bitawan
Kaysa piliing ipaglaban

Siguro nga
mas madaling bumitaw.
Dahil ang pagbitaw
Ang pinakamadaling paraan
ng paglaban
Lalo na kung wala ng pag-ibig
Lalo na kung di na ikaw
Ang nagpapasaya
Sa mga araw
na hindi kayo magkasama.

Kamusta po?
Ang huling mensahe mo sa akin.
Ok lang po,” tugon ko sayo.
Dahil gamay ko na
Ang pagpapanggap.
Magpanggap na
Ayos lang ako
Na di ako nasasaktan
Na di ako iiyak
Na tanggap ko
Na mas pinili mo sya (sila)
Na kaya kong mabuhay
Ng Wala ka.

Kaya kong magpanggap
Ng ilang ulit
Sa kahit anong paraan.
Pero hinding-hindi
Ang sabihing
Di na kita mahal.
Dahil ang tunay na nagmamahal
Hindi agad-agad susuko
Bagkus susubok,
Lalaban.

Kamusta po?
Ito mahal ka pa.
Pero wag kang mag-aala
Dahil unti-unti
Makakalimutan din kita
Dahil ang mabisang paglimot
Ay ang pag-alala
na hindi talaga kayo
para sa isa’t isa
Na sa huli,
Sa lahat ng iyong nagawa,
Ang reyalidad ay
Bibitiwan ka lang pala niya.

###