Pinoy ka kung…

I
(Magalang)
Isasaalang-alang
Turo ng mga magulang
Matatanda’y igalang

II
(Malikhain)
Mga bagay gagamitin
Sining ay bubuuin
Tunay na malikhain

III
(Mapagmahal)
Bansa man ay lisanin
Lumbay handang tiisin
Pamilya’y uunahin

IV
(Maka-Diyos)
Hirap ma’y haharapin
Lahat ay kakayanin
Sa Diyos mananalangin

V
(Matulungin)
Unos ma’y humagupit
Tulong ‘di pagkakait
Sa kapwang nagigipit

VI
(Malakas)
‘Di makikita bakas
Tunay tayong malakas
Haharapin ang bukas

VII
(Makabayan)
Kayumanggi ang kulay
Puso man maging buhay
Sa bayan inaalay

VIII
(Maipagmamalaki)
Mga ugaling namana
Kahit sa’n man mapunta
Hinahangaang t’wina

IX
(Masayahin)
Sa huli’y makikita
Ligaya sa mga mata
Ngiti na nakapinta

X
(Tatak Pinoy)
‘Lang tanong na paano
Gagawin kahit ano
Ganyan ang Pilipino.

***Ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 7 para sa kategoryang Diona.

Saranggola 336x280

Mga sponsor:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s