I’m in love with Sunrise

Just as deeply as I am in love with you.

I remember us holding hands while waiting for the sky to paint us a magnificent combination of yellow and orange in a splash of its bluish canvass. Slowly, like magic, dark clouds give way to a brilliant color scheme tantalizing both our eyes. A mesmerizing view — a sunrise with you.

And then I looked at you.

And I’m amazed. I’m amazed how your eyes can hold a new set of sunrise. A sunrise that lights up my heart. How those mix of colors can be so beautiful and captivating when you lift my head and stare at me, fascinated and wandering. “I can watch a million sunrises with you, but nothing can compare beauty whenever I look at you,” you said to me.

And how can I respond to those unwavering words. It just felt so good. And it even felt so good when you held my hand and slowly placed it in your chest. And I feel it, your heart’s sudden throbbing. “You’re the only one who can make this stir and beating,” you added.

I never knew how moving it is to realize how your heart beats for me. You made me want to watch more sunrise with you. You’re just my good days and all the days that will follow. And when i looked back, I want to see how far we’ve reached — how this overflowing love can create million sunrises by just looking through each other’s eyes and feeling each other’s heart.

Love is beautiful. It blends colors and  suddenly, you can create exquisite pictures together. We’re like that — a mix of black and white splashed with dazzling colors forming a picturesque masterpiece. Love is a masterpiece and so are we.

We held hands while we watched the sun rising on the horizon. I’m in love with sunrise, I said. But I can never love something as much as I love you. I’m in love with sunrise. But I’m more in love with you.

###

 

Advertisements

Dulo

Hinanap ko ang hangganan ng bawat pangungusap na maari kong maisulat tungkol sayo. Tulad nang pagpilit kong makahanap ng tamang salita sa mga tula kong walang tugma at sa tuwinang pagpapalit ko sa mga liriko ng kantang tingin ko’y ‘di akma. Mahirap.

Ilang espasyo na ba ng papel ang aking nalaktawan dahil hindi ko mabuo ang ideyang wala palang kahit anong alaala o kahit sinuman ang papalit sa espasyong iniwan mo sa puso ko mula noong sinabi mong hanggang dito na lamang tayo. Umasa.

Naalala ko noong sinabi mong ako ang iyong simula lalo na ang iyong dulo. Tulad ng ibig sa salitang pag-ibig; tulad ng mahal sa salitang pagmamahal. Sinabi mong ako’y iyong inibig dahil ako’y iyong mahal. Ngunit bakit bigla na lamang naglaho, ang pag-ibig mong minsan sa aki’y iyong ipinangako.

Ngunit magkagayunman, kahit kailan hindi ako lumisan.

Hinintay ko pa rin ang pagbabalik mong walang kasiguraduhan.

May kahihinatnan pa ba ang kuwento nating minsan mo ring sinabing pang-habang buhay?

O ang kuwentong ito’y ating tutuldukan na lamang.

Dahil mahirap umasa lalo na sa mga bagay na panandalian.

Lahat ng bagay may hangganan.

Kaya ako’y hanggang dito na lamang.

Ito ang katapusan.

Oo, may dulo ang walang hanggan.

###

 

Pagbibilang

passing of time

Mahirap ang maghintay.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tumingala sa langit. Hinihintay ang pagpapalit ng kulay ng kalangitan mula asul patungong kadiliman.

Kaisa ako ng madilim na kalangitan. Naisip kong mas mahiwaga ang dilim. Mas mapagpanggap. Mas payapa. Ngunit sa huli, hindi asul o itim ang makakapagpanatili sayo dahil mas pinili mong sumama sa taong ang gusto’y  kulay ng palubog na araw.

Mahirap ang maghintay.

Ilang beses ko na bang pinagmasdan ang pagkalagas ng dahon ng punong minsan nating naging tagpuan. Naalala ko noong minsa’y minapa mo sa isang dahon ang ating pangarap. Sinulatan ang dahon ng ating pangalan at ng salitang walang hanggan. Hanggang bumalik ako doon isang araw, at ang naabutan ko na lamang ay isang kalbong puno kasabay ng pangarap nating tuluyan nang nakalimutan.

Mahirap ang maghintay.

Ilang beses ko na bang binilang ang bawat hakbang ng aking paa. Umaasang matagpuan kita. Nagbabakasakaling aksidenteng mabangga kita at matanong mo man lang kung “kumusta ka?” Dahil minsan ang isang kumusta ka ay isa na ring pamamaalam sa bawat alaala nating binuo ng magkasama.

Mahirap ang maghintay.

Mas mahirap ang umasang darating ka.

Pinakamahirap ang umibig sa isang alaala.

Nakakalungkot.

Nakakapagod.

Pero sa huli mas magandang maghintay ng panibagong pag-alalayan ng magandang alaala.

Tulad ng muling pagliwanag ng madilim na kalangitan.

Tulad ng pagusbong ng mga dahon sa punong ating naging tagpuan.

Tulad ng patuloy na paghakbang ng aking mga paa sa daang may maghihintay sa pagdating ko.

Maghihintay ako.

Hindi sayo.

Hihintayin ko sya.

Mahirap maghintay.

Pero sa kanya na pahahalagahan at iibigin ako ng buo kasama ng mga kamalian ko, bakit hindi?

Dahil ang pinakadalisay na pag-ibig ay sadyang hinihintay.

Mahirap maghintay.

Pero hindi ako titigil na umibig ng dalisay.

###

 

Missing you

I miss you —
Three words you never knew
How hard I fell for you
But you never fall for me, too.

I miss you —
Like how the trees missed its leaves during fall
Like how the rainbow failed to appear
After the rain poured.

I miss you —
Like the lacking pages
of my unfinished book
Like the tattoo of your name in my wrist
you didn’t care to look.

This is how I miss you.
It’s as if everything around me is you.
Yet I always left wondering
Did you ever miss me too?

###

A Letter for You

Dear You,
It has been a year or two
Since I wrote about you
it’s as if the words lost all of its hue
Like a love that I once knew.

Dear You,
I’m still figuring out why
When you left, days killed me as it passed by,
How easily love can die
And what’s left were your painful lies.

Dear You,
Everything around me reminds me of you
And the spaces between my fingers still search for you.
And when it still chills me When the wind blew
Knowing there are no arms that will wrap me like you used to.

Dear You,
Moving on is never easy
But holding on to you is not an option for me.
We build a love that is amazing to see
But in the end, we’re still not meant to be.

Dear You,
This is the last poem I will write about you.
The hardest part of it all is when you left without a clue.
You should have find courage to say goodbye but you never really do.
So this is a farewell to a love that is not true.

###

Oblivion

I saw you in my dreams last night.
You stare at me like I’m a beautiful sight.
But I looked away like I’m in a flight
Yet you held your gaze like you’re hugging me so tight.

So tell me, how can I forget you?
When couples walked hand in hand, I saw you.
When love songs played on radio, I hear you.
When random people passed by, I smell you.
When my blanket covered me in a cold night, I feel you.
When I sip my coffee first thing in the morning, I taste you.

How can I forget you?
When you are the period —
an end to my run-on sentence
When you became a verb — a past tense.

Can I forget you?
Definitely yes. I have to.
Because what’s worse than forgetting
is all about remembering.

To remember —
that once upon a time
On the 31st of October,
When the vicinity is full of lovers
You asked me if I can be yours forever.
And the next day, I knew, what we have is over.

And what I need to remember —
Is that courage is finishing something
that has not yet started.
That letting you go
is better than holding on will do.

So this is how I forget you —
To remember that never did I ever love you.

###

Lost

I’ve been looking for you —
in the crowds of people passing
in the first sip of my coffee in the morning
in the flip of newspaper pages I was reading.

I came out looking for you —
in my favorite lunch meal I was eating
Just when I close my eyes and start napping
In the tons of paper that needs editing.

I still look for you —
in the road of rushing cars
in the flash of busy city lights
in the twinkling stars saying good night.

See, I’ve been looking for you —
In every step of the way
but the hard part is teaching my heart to stop looking.
But i need to…
Because in the process of believing you love me too,
I lost myself completely, too.

###

Prelude

There is something beautiful
in every story’s beginning
in throbbing heart
in love at first sight
in other’s once upon a time.

And one day, he came along the way
And I knew our story had begun from then
With me, fixing his heart
And him, mending my scar
Because he told me, “I am broken.”
But never did he thought that I, too, was broken.

There is something beautiful
in every story’s beginning
Like there is beauty
in fixing someone that is broken.
Little by little.
Bit by bit.
We need to put back the pieces together.
Who knows, broken beginnings
might end with beautiful endings.

###

Nang magsabwatan ang Sandaigdigan

Sabi  ni Paulo Coelho sa kanyang librong “The Alchemist,” kapag gusto raw natin ang isang bagay, nagsasabwatan daw ang buong sandaigdigan para mangyari ang ating inaasam. Kaya noon di’y inasam kong sana tayo na lang. Naghintay ako. Umasa. Saka ko na lang napagtanto na siguro noong panahong  inasam ko iyon, nag-away ang sandaigdigan. Nagkatampuhan. Hindi nagkaintindihan. Kaya naging ganito ang ating kapalaran: napunta ka sa kanya at ako’y napunta sa iba. Tinadhana nga tayo, pero hindi sa isa’t isa.

  1. TALA

Siguro nga ang pag-ibig ay tulad ng mga bituin. Na kahit anong tagal mong nagbigay ningning, kailangan mong magsakripisyo sa huli. Umalis. Maglaho. Mamatay. Para sa iyong pagbabalik, isang panibagong tala ang mabubuhay. Mas maningning. Mas matapang. Hindi na matatakot sumubok at masaktan kahit walang kasiguraduhan.

  1. PLANETA

Walong planeta. Naisip ko dati, bakit sa dinami-dami ng planeta sa solar system, tanging sa mundo lang pwedeng manirahan ang tao. Ngayon, napagtanto kong ang mga planeta’y katulad natin. Dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo, mas pinili kong ikaw ang aking maging mundo.

  1. BUWAN

Malungkot ang gabi kapag walang buwan. Walang nagbibigay ng liwanag. Pero siguro malungkot din ang buwan kapag sya’y nasa kalangitan na. Dahil sa tuwing tumitingin sya paibaba, naisip nya na sana may pagkakataong makasama ka rin nya – nakakulong sa mga bisig mo sa gabing kapiling mo ay iba.

  1. KOMETA

Nakakita ako ng kometa kagabi. Mabilis. Sa kisap-mata’y  hindi mo na mapapansin. Totoong may mga bagay sa mundo na minsan lang natin makita  ang kariktan — tulad mo. Isang kometa. Mabilis dumating. Mabilis ding nawala. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong hangaan ka.

  1. BULALAKAW

Umulan ng bulalakaw kagabi. Hinintay ko ang kanilang pagdating.  At sa dami ng pwede kong hilingin, ang maging maligaya ka sa piling nya ang tangi ko lang nasambit.

  1. ASTEROID

Noong pinaghandaan kong tamaan ka, pinaghandaan mo ring iwasan ako. Dahil ang sabi mo pagtumama ako sayo , pagkawasak ang idudulot nito sayo. Hindi mo man lang napagtanto, malay mo sa pagtama ko sayo, magising ka sa reyalidad na may iba pang higit na nagmamahal sayo.

  1. ARAW

Siguro nga ikaw ang araw at ako ang mundo. Dahil ako’y patuloy na umiikot sayo. Na kahit hindi man ako makalapit sayo, ikaw pa rin ang tanging dahilan kung bakit nagkakaroon ng liwanag ang buhay ko.

  1. ULAP

Tulad ng isang ulap, ako’y malaya. Dahan-dahang naglalakbay sa payapang kalangitan. Hanggang makita kita. Oo, magka-uri tayong dalwa. At sa pagkakataong ito’y hahabulin kita. Sabay tayong magsasaya sa init ng araw at makikidalamhati sa pagsapit ng ulan. At sa gabi, ika’y patuloy kong hahabulin, kahit iba naman ang gusto mong makasama at habulin.

  1. BLACK HOLE

Pinili kong ipahigop sa butas ng kawalan ang lahat ng nararamdaman ko sayo. Lahat ng sakit, pait at sugat noong pinili mong iwan ako. At siguro sa huli, kahit anong alaala mo’y akin nang makakalimutan. Dahil magmula ng ako’y iyong iniwan, puso ko’y nabalot na sa dilim ng kawalan.

  1. DUST

Pinilit kong maging sapat sayo. Pero iba pala talaga ang kailangan mo. Ang sapat pala sa paningin mo ay ang pagbasura sa pag-ibig ko. Mula noo’y nagpalutang-lutang ako. Malaya. Hindi alam kung saan patungo. Saka ko napagtantong masarap palang lumaya sa piling mo.

###

 

***Ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 8 para sa kategoryang Hugot.

Saranggola 336x280

Mga Sponsor:

771fb-2dmciinquirerdevicephilippines3fb93-2dp lion

Unang ulan ng Disyembre

Patak.

Unti-unting pumapatak ang ulan.

Habang nakatingin sa bintana, naalala ka nya.

Malamig.

Kasing lamig ng hangin na dala ng ulan, tanda pa nya ang yakap mong pagkahigpit-higpit na nagbigay init na tumatagos sa kanyang buto.

Tulad ng kapeng palagi mong itinitimpla, ramdam nya ang pait at tapang noong minsa’y piniling mo siyang iwan.

Oo, iniwan mo sya.

Ulan.

Disyembre.

Habang ang mga paa mo’y papalapit sa pintuan, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Napatigil ka sandali.

Nagdalawang-isip ka kaya?

Sa kanyang isip ay bumilang sya…

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Hindi ka na lumingon.

Tuluy-tuloy mong sinuong ang malakas na ulan.

Diretso palayo sa kanya…

Naiwan syang nakatingin sa pinto…

Nakaabang.

Tulala.

Hindi makapaniwala.

Mag-isa…

Habang bumubuhos ang malakas na ulan. ###